Patuloy pa ring nakararamdam ng mga aftershocks ang ilang bahagi ng Luzon matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol nuong Lunes, Abril 22.
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang ala-sais ng umaga, papalo na sa 828 aftershocks ang naitala kung saan, 10 rito ang naramdaman.
Nananatili naman sa 18 ang bilang ng mga nasawi habang 243 ang naitalang sugatan at lima pa ang kasalukuyan pang pinaghahanap.
Aabot naman sa 3,632 na pamilya o katumbas ng 17,410 indibiduwal ang apektado mula sa 41 barangay sa Gitnang Luzon.