Nakapagtala ng mahigit 800 bagong kaso ng COVID-19 Omicron variant ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kung saan 688 bagong kaso ng Omicron subvariant na Ba.5 ang naitala, 16 na kaso ng Ba.4 at 110 “other sublineages”.
Karamihan sa mga bagong kaso ng BA.5 ay natagpuan sa Metro Manila, Western Visayas, at Cagayan Valley, habang mula naman sa Soccsksargen ang mga napaulat na kaso ng BA.4.
Mula September 12 hanggang 18 nakapagtala ng 2,101 daily infections ang bansa na apat na porsiyentong mas mababa kaysa sa naitala noong nakaraang linggo.
Sa ngayon, nasa mahigit 70 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19. – sa panulat ni Hannah Oledan