Mahigit 800 drug personalities ang sumuko sa unang linggo ng pagbabalik ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police.
Nakasaad sa consolidated report ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao umaabot sa 821 ang drug suspects na napasuko ng Oplan Tokhang mula January 29 hanggang February 1.
Pumapalo sa 2,127 ang naisagawang Tokhang operations sa buong bansa at walang naitalang nasugatan o nasawi sa unang linggo nang pagpapatupad nito.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na malaking tulong ang publiko sa pagiging bloodless ng unang linggo ng Oplan Tokhang.
—-