839 na empleyado ng National Food Authority (NFA) ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa gitna ng pagsisimula nang implementasyon ng restructuring plan ng Rice Trade Liberalization Act o Republic Act 11203.
Batay sa implementing rules and regulations (IRR) ng RA 11203, binibigyan ng NFA ng 60 araw na transition period mula sa effectivity ng IRR upang mag-reorganize.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, inaprubahan ang panukalang restructuring plan at inendorso na sa governance commission for government-owned and controlled corporations.
Dahil dito, karamihan ng regulatory functions ng NFA ang matatanggal.
Samantala, magsasagawa naman ang ahensya ng “surgical marketing operations” kung saan magbebenta ito ng murang bigas sa presyong P27 kada kilo sa Metro Manila at mga piling lugar sa bansa.