Pinangunahan ni Manila Police District (MPD) Director, Brig. Gen. Andre Dizon ang paggawad ng promosyon sa 886 na pulis.
Mula sa naturang bilang, 798 ang na-promote na Police Non-Commissioned Officers (PNCO) sa MPD headquarters sa Ermita.
Pinaalalahanan naman ni Dizon ang kanyang mga tauhan na mahalin ang kanilang pamilya dahil dito nagsisimula ang pagmamahal sa trabaho at pagsusumikap na malayo sa tukso ng katiwalian. – sa panulat ni Hannah Oledan