Isinara ngayon ang mahigit walong libong (8,000) outlets ng Starbucks sa Amerika para isalang sa racial bias training ang kanilang mga empleyado.
Nag-ugat ito sa insidente noong Abril kung saan hindi pinayagang makagamit ng palikuran ang dalawang Black American na hindi naman umano customer at humantong sa pagpapaaresto sa dalawa.
Ayon kay Starbucks Executive Chairman Howard Schultz, aminado silang hindi sapat ang apat na oras na training ng kanilang mga empleyado para resolbahin ang problema sa racial inequity sa Amerika.
Gayunman, naniniwala ang Starbucks na kailangang nilang simulan ang hakbang at talakayan ukol dito.
Dahil dito, nasa isandaan at pitumpu’t limang libong (175,000) empleyado ng Starbucks ang pinapanood ng mga dokumentaryo ukol sa African-American History at civil rights struggle na sinundan ng mga karanasan ukol sa diskriminasyon.
—-