Mahigit 8,000 katao ang naapektuhan ng shearline na nagdulot ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao kahapon, araw ng pasko.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), aabot sa 80,142 individuals o katumbas ng 18,407 pamilya ang apektado ng shearline sa Eastern Visayas, Zamboanga, at Northern Mindanao.
Nasa 9,197 pamilya o katumbas ng 44,725 katao naman ang nananatili sa 27 evacuation center sa Misamis Occidental, Misamis Oriental, at Camiguin.
Aabot sa 43 kabahayan ang nasira habang naitala naman ang P280,000 na halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Sinabi pa ng OCD na dalawang indibidwal ang nasawi sa Misamis Occidental habang siyam naman ang napaulat na nawawala, kabilang ang lima mula sa Northern Samar, tatlo sa Misamis Occidental at isa naman sa Leyte.