Nasa limang porsyento lamang ng mga taga-Marawi City ang nagsilikas sa mga evacuation centers na itinalaga ng pamahalaan.
Inihayag ito ni NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad sa pagharap nito sa Malakaniyang.
Ayon kay Jalad, karamihan sa mga sibilyang tumakas sa bakbakan o nasa mahigit 324,000 ang nakikituloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.
Gayunman, tiniyak pa rin ni Jalad na mabibigyan ng ibayong tulong ng pamahalaan ang mga nagsilikas kahit hindi pa sila tumuloy sa mga itinalagang evacuation centers sa Cagayan de Oro at sa mga bayan ng Lanao del Sur.
Batay sa pagtaya ng NDRRMC, aabot sa 84 na Milyong Piso ang halaga ng tulong na naibigay sa mga lumikas na residente sa Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping