Naipadala na sa senado ang mahigit 88% ng lahat ng Certificates of Canvass (COCs) na naglalaman ng boto para sa pagkapangulo at bise presidente.
Ayon sa Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB), natanggap na nila ang 153 o 88.44% ng kabuuang 173 COCs ngayong araw.
Nabatid na ang mga COC na ipinadala sa senado ay mula sa Sulu, United States, at Australia.
Nakatakda namang ilipat ng senado ang mga COC at Election Returns (ERs) sa House of Representatives, madaling araw ng Mayo 23.
Samantala sa Mayo 24 naman nakatakdang simulan ng kongreso na nag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang pag-canvas ng mga boto sa pagkapangulo at bise presidente.