Naipamahagi na ng Department Of Education (DepEd)ang mahigit 88% ng mga self-learning modules sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan.
Ito ay isang linggo bago ang inaasahang pagsisimula na ng klase sa pamamagitan ng alternative learning system sa Oktubre 5.
Ayon kay Education Undersecretary Revsee Escobedo, nakikipag-ugnayan ang kanilang mga field units sa local government units (LGU)’s at mga opisyal ng barangay para sa distribusyon ng mga modules.
Kabilang aniya sa mga ginagamit na pamamaraan ay ang personal na pagbibigay ng mga modules sa mga magulang ng mga estudyante o ang pagtatakda ng pick-up o delivery points sa mga barangay o sitio.
Isa ang modular learning sa mga bahagi ng ipinatutupad na distance o blended learning lalu na sa mga lugar na hindi naaabot o walang kakayanan para sa TV-radio based instruction o internet connection.