Nananatili pa rin sa evacuation centers sa Biñan City, Laguna ang nasa walundaan walumpung pamilya o mahigit tatlong libo animnaraang indibidwal na naapektuhan ng bagyong Paeng.
Batay ito sa datos ng City Social Welfare and Development Office hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre a – disi sais.
Kinumpirma ni Mayor Arman Dimaguila na hanggang ngayon ay baha sa barangay Dela Paz, Malaban at San Jose dahil sa pag-apaw ng Laguna lake at maaaring tumagal hanggang dalawang buwan.
Karamihan anya sa mga bakwit ay inilipat sa Alonte Sports Arena mula sa mga pampublikong paaralan dahil nagsimula na ang klase.
Samantala, nagtayo na ng temporary wooden bridges ang lokal na pamahalaan para sa mga residenteng nahihirapan sa kanilang pang-araw-araw na gawain dulot ng putik at baha sa mga nasabing lugar.