Aabot sa 88, 677 na trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo a-12.
Ayon sa DOLE, 80, 627 ng mga trabaho ay nasa sektor ng manufacturing, business, process outsourcing, construction at logistics habang mahigit 8k ay Overseas employment.
Magaganap ang main event ng job fair sa Bulacan Capitol Gymnasium habang may kaniya-kaniyang venue ang bawat rehiyon na makikita sa kanilang website.
Idaraos ang malawakang Job Fair sa pamamagitan ng face-to-face maliban sa ilang lugar na humiling na gawin ito online.