Inihayag ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na sumailalim ang 8,461 bar examinee sa antigen test ng Korte Suprema.
Habang 1.36% ang lumabas na nagpositibo sa virus.
Samantala, nilinaw ni Leonen na hindi totoo ang ilang kumakalat na ulat na kapag nagpositibo sa virus ay hindi na makakakuha ng naturang eksaminasyon.
Gayunpaman, mahigpit na sinunod ng kagawaran at mga examinees ang mga health protocols kontra COVID-19 at hindi pinahintulutan ang mga nag-exam na lumabas para kumain. —sa panulat ni Kim Gomez