Mahigit 8K mga paaralan ang apektado habang 35 iba pa ang napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.
Ayon sa Department of Education (DepEd, ang mahigit 30 napinsalang paaralan ay mula sa 15 school division offices sa Luzon.
Sa nasabing bilang, 11 ay mula sa Region 3(Central Luzon),9 sa region 2(Cagayan Valley) 8 sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 7 sa Region 1(Ilocos Region).
Batay sa inisyal na Rapid Assessment of Damages Report (RADAR) ng Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS), nasa P228.5M ang tinatayang halaga kakailanganin para sa pagsasaayos ng ma naturang paaralan.
Samantala, nakikipag-ugnayan ang DRRM sa mga coordinator nito upang malaman ang kabuuang bilang ng mga naapektuhang mag-aaral, guro, at non-teaching personnel.