86% ng populasyon sa bansa ang rehistrado sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang inihayag ni PhilHealth Vice President for Membership Management Oscar Abadu Jr., kung saan 94.9 million sa 110 million na Filipino ay nakarehistro sa PhilHealth.
Sa nasabing bilang aniya, 52 million ang miyembro ng PhilHealth habang ang 42.7 million ay dependents.
Ang 15.2 million na Pinoy naman umano na hindi rehistrado sa PhilHealth ay pawang mga dependents.
Kaya ayon kay Abadu, mahalagang ma-update ang mga detalye o impormasyon ng mga nakarehistrong miyembro ng PhilHealth.
Samantala sinabi ni Abadu na target sa 2021 ng PhilHealth ang 95% ng populasyon lalo’t naisabatas na ngayon ang Universal Health Care Law.