Inihayag ng Department of Education (DepED) na nasa 94% na paaralan ang nagpatupad na ng full face to face classes sa National Capital Region (NCR).
Ito’y matapos umarangkada ngayong araw ang mandatory full in-person classes matapos ang 2 taon ng distance at blended learning bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DepED Spokesperson Atty. Michael Poa, nasa kabuuang 827 na pampublikong paaralan ang nagpatupad ng 5 araw na in person classes sa rehiyon.
Aniya, patuloy namang binabantayan ng kagawaran ang sitwasyon sa Metro Manila.
Samantala, naghihintay na lamang ang kagawaran ng feedback mula sa kanilang mga regional directors kung may mga problema ba silang kinaharap sa unang araw ng pagbubukas ng klase upang agad itong matugunan.
Sa ngayon aniya, maayos naman ang pagbabalik ng mga klase sa mga paaralan.