Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 901 na karagdagang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, 839 sa mga ito ang bagong kaso ng Omicron ba.5 at 11 pang kaso ng BA.4, tig-isang kaso ng BA.2.75 at BA.2.12.1, habang 49 naman ang na-tag bilang “other sublineages,” base sa pinakabagong mga numero na inilabas ng DOH.
Karamihan sa mga kaso ng BA.5 ay natuklasan sa Metro Manila, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang ang mga kaso ng BA.4 ay karamihan namang natuklasan sa Soccsksargen.
Samantala, ang bagong kaso ng BA.2.75 ay naka-log sa Metro Manila, at ang kaso ng BA.2.12.1 ay nakita naman mula sa isang returning overseas Filipino.