Muling nakapagtala ng mahigit 900 bagong kaso ng Omicron subvariants ang Department of Health (DOH).
Batay sa sequencing results ng DOH, aabot sa 912 ang naitalang Omicron lineages at other lineages mula September 16 hanggang 19 kabilang na dito ang 688 na BA.5 subvariant kung saan, 11 ay mga Returning Overseas Filipinos.
Bukod pa dito, mayroon ding 16 na bagong BA.4 subvariant cases; habang 110 naman ang na-categorize bilang other sublineages.
Ayon sa ahensya, pinakamaraming naitala ay mula sa Metro Manila na mayroong 126 na mga bagong kaso; sinundan ng Region 6 na mayroong 104; at Region 2 na may 75 new cases.