Higit siyamnaraang (900) mga bilanggo sa NBP o New Bilibid Prison ang nagkasakit matapos na kumain ng paksiw na bangus noong Biyernes.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Benjamin delos Santos, animnaraan (600) sa mga ito ang dinala sa NBP Hospital matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan, diarrhea at dehydration.
Animapu’t siyam (65) sa mga biktima ang nananatiling naka-confined sa pagamutan dahil sa kritikal na kondisyon kabilang na ang isang matandang inmate.
Bukod sa nakaing paksiw na bangus na inihanda ng caterer ng NBP, kasama rin na sinusuri ay ang tubig na ginagamit sa pag-inom at paghahanda ng pagkain sa nasabing bilangguan.
Napasugod naman sa NBP Facility ang mga nag-aalalang pamilya ng mga bilanggo.
By Rianne Briones
Mahigit 900 bilanggo sa Bilibid nabiktima ng food poisoning was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882