Nakahanda na ang mahigit P900 milyong halaga ng relief goods para sa mga posibleng maapektuhan ng tropical storm sakaling pumasok ito sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinag-uusapan na ng mga Local Disaster Council at Local Government Units (LGUs) ang paghahanda sa mga lugar na maaapektuhan ng tropical cyclone.
Dagdag ni Timbal, naipamahagi na ang mga ito sa iba’t-ibang warehouses ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang lokasyon na itinalaga ng LGUs.
Samantala, inaasahang papasok ang tropical storm sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi at papangalanan itong Odette.