Umabot na sa tatlumpu ang namatay dahil sa HIV/AIDS noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Bukod sa mga namatay, sinabi ng HIV / AIDS Registry of the Philippines o HARP ng DOH-National Epidemiology Center, mayroon pang 950 kaso ng naturang sakit ang naitala sa kaparehong buwan ngayong taon.
Pero mas mababa naman anila ito sa naitalang 1,098 kaso ng HIV/ AIDS sa kaparehong buwan noong 2017.
Batay sa tala ng HARP, 914 sa mga bagong kaso, ay nakuha ang kanilang sakit sa pakikipagtalik habang ang ibang pasyente naman ay nahawa dahil sa paggamit ng iisang karayom sa pagturok nila ng iligal na droga.