Sinimulan na ng Italian authorities ang culling process sa higit 900,000 mga manok at iba pang uri ng ibon.
Kasunod ito ng pagtama ng H5N8 avian flu virus sa mga farm sa gitna at hilagang bahagi ng Italya.
Dahil dito, natakdang patayin ang may 853,000 na mga manok at 14,000 na turkey sa probinsya ng Brescia at 12,400 na mga broiler chicken sa ilang mga maliliit na farm sa probinsya ng Vicenza.
Matatandaang naganap ang pinakamalaking birdflu outbreak sa Western Europe mula sa pinakamalaking egg producing farm sa probinsya ng Ferrara sa nasabing bansa.
—-