Karagdagang 940,680 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno ang dumating sa Pilipinas.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang nasabing bakuna nitong Miyerkules dakong 9:30 ng gabi.
811,980 doses ng nasabing bakuna ay ilalagay sa Pharmaserv cold storage facility sa Marikina City.
Habang una nang dumating sa Cebu ang 128,700 doses ng naturang bakuna. — sa panulat ni Hya Ludivico.