Pumalo na sa 925,389 na mga washable face masks ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga residente nito.
Ito’y sa ilalim ng face masks sewing livelihood program na layong makapagbigay ng trabaho sa mga mananahi at master cutter ngayong may pandemya.
Mababatid na target ng lungsod na makagawa ng isang milyong face masks na kanilang ipapamahagi sa mga Manileño.