Nakatanggap ng 940,800 doses ng Moderna Covid-19 vaccine ang Pilipinas na donasyon mula sa bansang Germany
sa pamamagitan ng Covax facility initiative.
Ayon sa National Task Force against Covid-19, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga bakuna alas diyes ng gabi noong Biyernes sakay ng eroplanong SQ918 flight.
Samantala, dumating din kagabi sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa 811,980 na Pfizer Biontech Covid-19 vaccines na ibinigay ng French government mula sa Covax facility kung saan, karagdagan pang mga bakuna ang posibleng dumating sa Miyerkules na naglalaman ng Pfizer at Astrazeneca vaccines na may kabuuang halos 6 milyong donasyon.
Ang naturang mga bakuna ay bahagi ng mahigit 9 million vaccine donation at inaasahang maihahatid ng mga bansang miyembro ng EU bago matapos ang taon.
Base sa national covid-19 vaccination dashboard, ang Pilipinas ay nakapag-administer na ng mahigit 100 milyong bakuna, kung saan humigit-kumulang apatnaput tatlong milyong pilipino na ang fully vaccinated. –Sa panulat ni Angelica Doctolero