Aabot sa 936K doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa alas-8 kagabi.
Ang mga bagong shipment ay karagdagang mga bakuna na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.
Ilalaan ang mga nasabing bakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Samantala, mahigit 65.6M indibidwal na o katumbas ng 72.93% ng target population ng gobyerno ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Nasa 11.8M naman ang nakatanggap ng booster shot matapos maabot ang tatlo hanggang anim na buwang requirement sa pagbabakuna. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45) at sa panulat ni Angelica Doctolero