Nakapagtala ang Department of Health ng 9,269 na bagong recoveries nitong nakalipas na 24 na oras dahilan upang umakyat sa 418,687 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng DOH, sumampa na sa 449,400 ang total cases sa bansa dahil sa 1,085 na bagong kaso.
Sa bilang na ito, ayon sa ahensya, nasa 21,980 na lamang ang active cases.
Nanguna naman ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso (103) na sinundan ng Rizal province (46), Makati (44), Maynila (43), at Pasig (39).
Samantala, tatlo pang pasyente ang pumanaw dulot ng virus dahilan upang sumirit sa 8,733 ang death toll sa buong bansa.