Fully vaccinated na kontra COVID-19 ang nasa mahigit 9M pilipinong nasa edad 12 hanggang 17.
91K naman ng edad 5 hanggang 11 ang may initial shots ng COVID-19 mula noong Valentines day, Febuary 14.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., walang dapat na ikabahala ang mga magulang sa kanilang mga anak dahil wala pa umanong naiulat na ‘adverse events’ o malubhang epekto sa nasabing age group matapos ang kanilang pagbabakuna.
Samantala sa naging pahayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III, sinabi niyang malaking tulong sa mga bata ang pagbabakuna upang mabigyang daan ang pisikal na klase at maibalik ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa kabila ng pandemiya.
Dahil dito, muling hinikayat ni Duque ang mga magulang na samantalahin ang pagkakataong maging ligtas ang kanilang mga anak sa tulong ng libreng bakuna na epektibo at dekalidad para sa bawat isa. —sa panulat ni Angelica Doctolero