Tinatayang aabot sa Anim punto Dalawang kilo ng Cocaine ang nasabat ng mga awtoridad matapos tangkang ipuslit papasok ng bansa.
Naharang ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, MIAA, Customs at PNP ang nasabing kontrabando sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 3 kahapon ng hapon na mula sa Brazil at Dubai.
Nakapangalan ang nasabing droga sa isang Yasmin Fernandez – Silva na sakay ng Emirates Flight 322 at kasalukuyan nang isinasailalim sa interogasyon at masusing imbestigasyon.
Magugunitang kilu-kilong Cocaine din ang nalambat ng mga awtoridad kamakailan sa NAIA mula sa ilang mga indibiduwal na nanggaling din sa mga nabanggit na lugar.
By: Jaymark Dagala