Mahigit 4M mga estudyante ang nakapag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalagang legasiya ng kasalukuyang administrasyon ang als dahil maraming out-of-school youths at adults ang nag-enroll sa nasabing programa.
Sa datos ng DEPED, tumaas sa 80% ang yearly average na bilang ng enrollment sa ilalim ni pangulong rodrigo duterte kumpara sa nakalipas na dalawang administrasyon.
Nasa 288 na pampublikong paaralan at dalawang pribadong paaralan sa 10 rehiyon ang nagpapatupad ng ALS-Senior High School Program upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga out-of-school youths at adults.
Disyembre 2020 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang republic act no. 11510 na nagpapatibay sa ALS program at paglikha ng Bureau of Alternative Learning System upang magkaloob ng parallel learning system para sa non-formal education.