Mahigpit na babantayan ng Department of Transportation ang road worthiness at mga kolorum na mga pampublikong sasakyan na bibiyahe ngayong Semana Santa.
Ito ang inihayag ni Inter-Agency Task Force on Traffic Chief Usec. Tim Orbos kasunod ng paglulunsad nila ng pinaigting na kampaniya kontra kolorum kahapon.
Ibinabala pa ni Orbos na posibleng pumalo sa mahigit isang daang mga provincial bus ang hindi papayagang makabiyahe ngayong Semana Santa dahil sa iba’t ibang paglabag.
Kasunod nito, muling kinalampag ni Orbos ang lahat ng mga operator at driver ng pampublikong sasakyan na laging inspeksyunin ang mga sasakyan bago bumiyahe para maka-iwas sa anumang disgrasya sa kalsada.