Dumating na sa Manila City Hall ang nasa mahigit isang milyong balota na gagamitin para sa papalapit na national and local elections sa Mayo a-nueve.
Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio ng COMELEC-Manila City, nasa dalawang truck ang dumating sa lungsod mula nanggaling pa sa National Printing Office (NPO) kung saan, ipinakita sa publiko ang paggupit sa selyo ng mga balota.
Nabatid na aabot sa 1,133,042 na mga botante ang nakatakdang bumoto sa mismong araw ng eleksiyon na katumbas ng mga official ballots.
Ang naturang mga balota at iba pang election paraphernalias ay ilalagak naman sa Treasurer’s Office ng Manila City Hall na babantayan ng mga pulis at sundalo bago ipamahagi sa anim na distrito ng Maynila.