Aabot sa 1.226 milyong kustomer ng MANILA Electric Co. (Meralco) ang nawalan ng suplay ng kuryente sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon sa Meralco, nakaapekto ang power interruption sa 1.226 milyon nilang kustomer magmula noong Linggo, September 25.
Hanggang kaninang alas-sais ng umaga, umabot na sa 51,773 ang mga kustomer ng Meralco na nawalan ng kuryente kung saan mayorya ay mula sa Bulacan, Rizal at Marikina.
Tiniyak naman ng ahensiya na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng kanilang mga crew upang agad na maibalik ang suplay ng kuryente.
Ang mga lugar na pinaghahatiran ng suplay ng kuryente ng Meralco ay ang mga siyudad at munisipalidad sa Bulacan, Cavite, Metro Manila, Rizal at maging sa probinsya ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon.