Mahigit kalahati na ng gurong nagserbisyo sa may 13 midterm elections ang nakatanggap na ng kanilang honorarium.
Ayon sa COMELEC, umabot na sa mahigit P1.5-B na ang naipamahagi sa mga guro mula sa mahigit P2.6-B pondo para sa poll workers.
P6, 000 ang ibinayad sa mga gurong nagsilbing election board chairpersons, P5, 000 para sa mga board of election inspector, P4, 000 sa mga Department of Education supervising officers at P2, 000 naman para sa mga support staff.
Bukod sa mga tinanggap nilang honorarium ay mayroon pa silang tig-P1, 000 na transportation allowance.
Inaasahan ng COMELEC na mababayaran na ang lahat ng mga gurong nagsilbi sa eleksyon sa susunod na apat (4) na araw.