Aabot na sa mahigit 50%ng mga tourism worker sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Katumbas ito ng mahigit 126,000 mula sa 245,000 tourism workers.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, pinakarami ang nabakunahan sa Metro Manila na aabot sa 94%, na sinundan ng Davao Region; 88% at Cordillera Administrative Region, 80%
Ang pagbabakuna lamang anya sa mga tourism worker ang paraan upang maipagpatuloy ang recovery ng domestic tourism sa gitna ng presensya ng COVID-19 Delta variant. — sa panulat ni Drew Nacino.