Mahigit sa kalahating milyong katao ang dumagsa sa pahalik sa Poong Nazareno.
Base ito sa datos ng PNP o Philippine National Police.
Hinati sa dalawa ang pila ng mga nais humalik sa paa ng Nazareno, na binantayan ng mga organizer, isa rito ay isang special lane para sa mga senior citizen at PWDs o persons with disabilities.
Umaabot naman sa tatlong libong (3,000) deboto ang nagsagawa ng vigil sa Quiapo church.
By Meann Tanbio