Aabot pa sa kalahating milyong boto ang hinihintay ng Commission on Elections bago isara ang opisyal na tally para sa senador at party-list.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ngayong araw inaasahang darating ang dalawang natitirang Certificates of Canvass o COC mula U.S at Saudi Arabia bukod pa sa hinihintay na resulta ng special elections sa Jones, Isabela.
Dahil dito ay maaaring mamayang gabi anya iproklama ang mga nanalong senador habang bukas sa party list.
Pinag-aaralan naman ng COMELEC En Banc ang hirit ng ilang abogado ng mga nanalong senador na iproklama na ang mga winning candidate dahil umano mababago ng mga hinihintay na COC ang resulta ng botohan.
Naniniwala rin ang poll body na makakamit ang projection nilang 75 percent voter turnout.
“As of this point, however we have 74.89% voter turnout that translates to 46 million, 343 thousand, 423 actual voters. Se we are on track to meet the 75% conjection that we said earlier. “- Pahayag ni COMELEC Spokesman James Jimenez.