Maituturing na child laborers ang mahigit kalahating milyong kabataang edad lima hanggang 17 sa bansa.
Ito ayon kay Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla, director IV ng Bureau of Workers with Special Concerns, ay lumabas sa survey ng Philippine Statistics Authority o PSA na noong 2020 mayroong mahigit 872,000 na mga batang nagtatrabaho sa bansa at 597,000 sa mga ito ay child laborers.
Bagamat nilinaw ng opisyal na pinahihintulutan naman ang pagtatrabaho ng mga bata kung ito ay nasa supervision ng mga magulang at kung ito ay trabahong pampamilya lamang at hindi nalalantad sa mapanganib na working condition na maaaring maglagay sa panganib sa mga bata.
Samantala inilabas ng Department of Labor and Employment na negative list na ang mga trabahong pang-agrikultura sapagkat hindi ito angkop sa mga batang may murang edad lalo na ang mga mabibigat na trabahong pansakahan.
Binigyang-diin din ng opisyal na mayroong pananagutan sa batas ang mga mapapatunayang sangkot sa child labor na maaaring pagkakulong at magmulta ng malaking halaga.