Mahigit kalahating porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang magwawakas na ang COVID-19 pandemic ngayong 2022.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Ikatlong Quarter ng 2021, 51% ng mga Pilipino ang naniniwalang matatapos na ang pandemya ngayong taon.
Habang 45% ang naniniwalang lalampas pa ito sa 2022.
Nakasaad rin sa survey ang isinusulong na mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing batas ang mandatory vaccination, dalawang beses kada linggo na RT-PCR testing at no dine-in policy para sa mga unvaccinated.
Sa tanong kung nararapat ang mandatory vaccination, 51% ang sumang-ayon, 35% ang hindi at 14% ang walang desisyon.
Ganitong datos rin ang lumabas sa tanong kung nararapat ang dalawang beses kada linggo na RT-PCR testing.
Samantala, sa polisiyang no dine-in policy for unvaccinated, 49% ng mga Pilipino ang sumang-ayon, 36% ang hindi at 14% ang walang desisyon. —sa panulat ni Abigail Malanday