Nakapagtala ng 19,536 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo a-18 hanggang a-24 ang Department of Health (DOH).
Nabatid na sumampa sa 2,791 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw noong nakaraang linngo na mas mataas ng 33% kumpara sa mga kaso noong Hulyo a-11 hanggang a-17.
Samantala, higit sa 71 million na indibidwal na o 91.61% ng target na populasyon ng gobyerno ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 15.9 million naman ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.