Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 1,000,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Pasado alas otso ng gabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Hong Kong flight LD456 ang 862,290 doses ng bakuna.
Habang 76,050 doses naman ang dumating sa Cebu dakong alas sais kagabi sakay ng Hong Kong flight LD457.
Sa kabuuan, umabot na sa 78.42 milyong doses ng bakuna ang dumating sa bansa kung saan mahigit kalahati nito ay sinovac mula sa China.
Inaasahan naman ang pagdating ngayong linggo ng karagdagan pang higit 1000,000 na doses ng Pfizer vaccines.