Naharang ng Globe ang mahigit 400 malicious sites na may kinalaman sa child pornography, illegal gambling, online piracy at iba pa.
Ayon sa nangungunang digital solutions platform, ang blocked sites nila ay sumipa ng 45 percent o nasa 404,730 sites sa unang siyam na buwan ng taon kumpara sa halos 279,000 malicious sites sa parehong panahon nuong 2022.
Kasunod na rin ito nang pinalakas na kapasidad ng Globe para ma-block ang mga malisyosong sites na ito bilang pagpapakita ng commitment ng kumpanya sa pagbuo ng isang ligtas na online environment.
Sa nakalipas na third quarter, halos 71% ang itinaas o nasa 268,000 malicious sites ang naharang ng Globe.
Binigyang-diin ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe na tuluy-tuloy ang commitment nila para labanan ang illegal online activities at protektahan ang kanilang customers sa pamamagitan nang pinalakas na #makeitsafeph campaign na sinimulan nila nuong 2017 bilang pakikiisa na rin sa kampanya ng gobyerno kontra Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).