Umabot na sa mahigit apat na libong doses (4, 120) ng mga bakuna ang hindi na magagamit dulot ng pinsala ng bagyong Odette.
Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kung saan ang bansa ay dumanas aniya ng “relatively low” COVID-19 vaccine wastage.
Aniya, maaari pang tumaas ang nasabing bilang dahil naghihintay pa sila ng mga ulat ng mga bakunang nakompromiso sa Surigao at iba pang mga lugar sa CARAGA.
Samantala, ipinagpatuloy ng ilang lugar na tinamaan ng nasabing bagyo ang pagbabakuna dahil sa takot na ito’y masira.—sa panulat ni Airiam Sancho