Tiyak na lolobo pa sa mahigit P13T ang utang ng Pilipinas sakaling isuspindi ang fuel excise tax.
Ayon ito kay Finance Spokesperson Assistant Secretary Paola Alvarez nasa halos P106B ang mawawala sa pondo ng gobyerno kapag nasuspinde ang fuel excise tax at hindi ito aniya mababawi sa iba pang pondo ng pamahalaan.
Una nang tinutulan ng dof ang panukalang pansamantalang suspindihin ang excise tax sa langis kasunod ng serye ng oil price increase.