Umalma ang Public Attorney’s Office (PAO) sa nangyaring pagtatapyas sa kanilang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, tila pinapatay ang kapangyarihan para mag-imbestiga.
Aniya, pakiramdam niya na isa itong gawain para matigil ang imbestigason na may kinalaman sa dengvaxia.
Sa ngayon ay nakikiusap umano sila sa Pangulo na i-veto ang naipasang proposed 2020 national budget dahil pera naman ito ng publiko.
Magugunitang nasa higit P19-M ang tinapyas sa 2020 budget ng PAO.