Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na ibibigay nila ang mahigit animnaraang milyong pisong pondo ng CHR o Commission on Human Rights kahit hindi magbitiw sa pwesto ang pinuno nitong si Chito Gascon.
Ayon kay Pimentel, walang kondisyon ang senado na kailangan munang bumaba sa posisyon ng namumuno sa ahensya bago ibigay ang pondo nito sa susunod na taon.
Sa katunayan aniya ay suportado ng mayorya mula sa minority at majority bloc na maibalik ang 678 million pesos na pondo ng CHR.
Sinabi pa ni Pimentel na suportado niya ang publiko kung gusto ng mga ito na mag-donate ng pondo para sa CHR basta may resibo at dokumentado ang proseso nito.