Hindi bababa sa 240 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.6 million ang naharang ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ay napigilan nila ang bulto-bultong droga na tinangkang ipasok sa bansa at nakasilid sa mga pakete ng tsaa.
Sinasabing mula Malaysia, ipinadala ng isang “Yong Lee Chei” sa isang consignee naman sa Caloocan ang nasabing kargamento na idineklara umanong “assorted” na pagkain.