Makaaasa ang publiko ng mas pinalakas na puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa paglaban nito sa iba’t-ibang uri ng krimen.
Ito’y makaraang basbasan kaninang umaga sa Kampo Crame ang mga bagong sasakyan at kagamitan ng pambansang pulisya na nagkakahalaga ng mahigit P1-B.
Kabilang sa mga ito ay single cab na patrol jeep, mga shuttle bus, highspeed tactical water craft, handheld radio at mga basic assault rifle.
Nakatanggap din ng mga kagamitan ang PNP mula naman sa pribadong sektor na nagkakahalaga ng mahigit P8-M kabilang na ang 2 coaster at 1 cargo shuttle.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan, ipamamahagi ang mga sasakyan at armas sa iba’t-ibang unit ng PNP sa buong bansa.