Nauuwi lamang umano sa wala ang mga ibinabayad na road user’s tax ng mga motorista sa nakalipas na isang taon.
Ito’y makaraang ihayag ng Commission on Audit o COA na kulang-kulang umano ang mga inaprubahang proyekto ng road board gamit ang naturang buwis na nagkakahalaga ng P1.2 Billion.
Ayon sa annual audit report ng COA para sa taong 2014, sinasabing bigo ang road board na tiyaking mapapakinabangan ang biniling motor vehicle inspection system para sa Land Transportation Office o LTO na nagkakahalaga ng kulang P200 Million.
Layon sana nitong magbigay ng sistematiko, kapani-paniwala at epektibong pagsusuri sa ibinubugang usok ng mga sasakyan sa buong bansa.
Ngunit sa kabila ng mga rekumendasyon ng COA, hindi pa rin ito pinakinggan ng road board sa halip, tila pinabayaan at hindi na ito napakinabangan pa.
By: Jaymark Dagala