Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigit P1-B tulong sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay para mabigyan ng ayuda ang nasa 250,000 manggagagawang apektado nang pinaiiral na enhanced community quarantine.
Sinabi ni Bello na ang P1.3-B ay bahagi ng paunang financial assistance para sa mga manggagawang nasa quarantine area na hindi makapasok sa kanilang trabaho.
Bukod dito ipinabatid ni Bello na maglalabas din sila ng P180-M bilang emergency employment program sa ilalim naman ng tulong pangkabuhayan sa displaced/underprivileged workers (TUPAD) para sa 16,000 manggagawa sa informal sector.
Ang paunang alokasyon para sa TUPAD ay ibabayad sa mga trabaho sa paglilinis ng mga komunidad sa barangay.